Sunday 28 October 2018

KuBitX: Malaman ito. Magkaroon ito. I-secure ito.

Pagod ka na ba sa mga cryptocurrency trading platforms na dysfunctional sa kasalukuyan?

Hindi maikakailang laganap na ang paggamit at pagsikat ng cryptocurrency sa buong mundo. Patuloy pa rin ang pag-usbong nito sa kasalukayan kaya naman maaaring magkaroon ng tyansa na mangibabaw ito sa darating na panahon. Ngunit kahit na ganito, marami pa ring nag-aalinlangan na gumamit nito dahil na rin sa iba't ibang dahilan.
Unang dahilan ay dahil walang magandang customer support ang mga platforms sa ngayon. May mga traders na nagrereklamo dahil sa hindi naging maganda ang karanasan nila kapag sila ay nakikipagpalitan. Marahil ay dahil kulang sa staff ang management para bigyang pansin ang mga requests ng traders o di kaya naman dahil sadyang di lang talaga maganda ang customer service o support ng ibang exchages. Hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin.
Pangalawa naman ay dahil sa security issues. Alam natin na sa cryptocurrency, marami pa ring hackers na sinusubukang humanap ng kahinaan para naman makapagnakaw sila. Noon, maraming tao ang nawawalan ng pera dahil sa mga cyber-attacks na ginawa ng hackers. Dahil dito, takot na ang ibang tao na sumubok dahil baka manakawan sila.
Pangatlo, kulang sa kaalaman ang ibang tao kaya naman mababa ang adoption rate patungkol dito. Hindi gaanong natatanggap agad ang innovation sa industriua ng blockchain at cryptocurrency dahil nga hindi alam ng ibang tao kung ano ito. Walang gustong sumubok dahil sa takot na scam lang ang lahat ng ito.
Pero ibahin nyo ang KuBitX.

Baki dapat tangkilikin ang KuBitX?

Unang-una sa lahat, ano nga ba ang KuBitX?
Ang KuBitX ay isa sa mga pinaka-advance at matatag na cryptocurrency trading platforms sa ngayon. Dinisenyo ito upang tanggapin ang idea ng "simplicity" at "accessibility". Dahil dito, mas mapapadali para sa mga tao na maintindihan kung ano ba talaga ang cryptocurrency at kung paano nakikipagpalitan dito. Ang goal ng platform na ito ay ang pagiging isa sa mga diverse na cryptocurrency marketplaces para sa mga mamamili at nagbebenta. Nais nila na makamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng isang matatag na trade engine para magkaroon ng isang epektibong trading platforms na tatangkilikin ng lahat, lumaganap ang kaalaman ng mga tao larangang ito at para na rin i-adopt na ng tao ang ganitong innovation.
Naudyok ang KuBitX na gumawa ng isang sustinable at progresibong solusyon sa mga problema patungkol sa mga kasalukuyang crptocurrency trading platforms katulad ng mga nabanggit ko sa unang parte ng artikulong ito. Nais nilang tumaas pa ang adoption rate sa cryptocurrency exchanges gamit ang masigasig at malawak na pag-aaral dito, para na rinmakapagbigay sila ng isang magandang serbisyo sa mga tumatangkilik.

Bakit mapagkakatiwalaan ang KubitX?
Ang grupong bumubuo ng KuBitX ay sobrang talentado at maraming karanasan na mga professionals. Masasabing sila ay expert na sa larangang ito dahil matagal na rin silang nagtatrabaho sa mga ganiton klase ng kumpanya. Marami silang mga natatanging katangian katulad ng pagmo-motivate at pagkumplemento sa gawa ng isa't isa. Tipong hindi sila gumagawa ng komosyon sa trabaho dahil ang nais lamang nila ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa atin. Isa pa, secure ang wallet ng KuBitX kaya 'di mo na kailangang mag-alala!
Saan maaaring gamitin ang KuBitX?
Ang token ng KuBitX (KBX) ay maaaring gamitin sa fee payments sa loob ng operasyon habang nakikipagpalitan ng halaga. Pwede rin itong magamit sa mga banking processes at ang mga gumagamit ay makakakuha rin ng fiat services sa maikling panahon. Marami pang pwedeng paggamitan ito lalo na para sa mga traders.

Anong klase ng serbisyo ang nais ibigay sa atin ng KuBitX?
Maganda ang serbisyong nais ibigay sa atin ng KuBitX at ito ang mga patunay.
Processing speed. Nais nila na ang pakikipagpalitan ay magkaroon ng processing speed na 12 million transactions per second. Napakabilis na nito kumpara sa average speed na 1.4m lang.
Customer Support. Bumuo ang KuBitX ng isang platform kung saan ang komunidad at mga gumagamit ang nasa sentro. Sila ang pangunahing concern ng KuBitX. Nais nilang mgakaroon ng 24hr online customer support para sa mga tumatangkilik at makakamtan nila ito sa tulong ng Global Channel Team. Balak din ng KuBitX na maglaan ng malaking parte sa fund nila para sa customer support nila dahil nga nais nilang magbigay ng isang magandang serbisyo sa atin.
Madaling gamitin. Hindi lamang ang paggawa ng isang madaling gamitin na web interface para sa gumagamit, gusto rin nilang magbigay ng tuloy-tuloy na pakikipaghalubilo ng mga user. Magkakaroon ng pagsasanay kung saan ito ay nahahati sa Beginner, Intermediate at Professional para naman magkaroon ng malawak na grupo kung saan maaaring makisama ang mga users.
Multi-Lingual. Dahil nga nais nila na ipalaganap ito sa buuong mundo, layunin nilang magkaroon ng 5 wika sa kanilang serbisuo para sa users na mula sa iba't ibang panig ng mundo. Pakay nila na alisin ang language barrier na kadalasang nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga user sa web platform.
Mapapansin nating lagi nating dala ang ating mobile phones sa pang araw-araw nating pamumuhay, diba? Kaya naman pakay ng KuBitX na magkaroon din ng trading applications para sa mga mobile platforms na pwede sa IOS at Android.

Ano pang hinihintay mo? Tara't gumamit ka na rin ng KuBitX para sa isang convenient at madaling trading transactions!



Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1460674

No comments:

Post a Comment